Miyerkules, Setyembre 5, 2012

ambulansiyang de paa


kelan ba mabubuoo ang ang kasaganahan ng isang buong bayan iyong tipong lahat ay kuntento kung anong meron sila at ano ang kaya nilang gawin
bakit pa ba nauso ang maging mapag-imbot at masyadong pagpapahalaga sa sarili kesa sa pagbigay simpatya sa nakararami
bakit kaya ang buhay ay parang isang kugon madaling tumubo ngunit madali ring matuyo at manungas...nge parang nag-iba
may mga bagay na malabo talga...tulad na lang sa lipunan yung iba sampung metro lang sasakay pa ngunit yung iba eh milya milya eh nakayapak pa whew wattalife
ambulansyang de gaas de gulong na may drayber pa tas may wangwang ngunit sa iba eh duyan lang na buhat buhat ng dlawang tao galing sa kabilang milya milyang ibayo pagdating sa sentro pangkalusugan wala pang gamot o doktor na nakadesino susmaryusep naman po ano nga ba ang nangyayri sa mundo sana naman makamtan at maranasan din nila ang kaginhawahang sinolo ng mga impaktong hudas na nakatira sa bato
ang ideang ito ay napanood ko lamang sa power review ng GMA sa iwitness...whew dpat siguro eh yun ang ipanood sa mga ganid at sobrang masasamang tao paggising nila..para umaga pa lamang eh pagod na sila :DD
ang kalusugan ay dpat pakaingatan ngunit mahirap din naman ata ingatan lalo na kung ang buhay mo ay umiikot sa kanto kantong maraming tukso at gumagawa ng kakaibang milagrong dulot sa iyo ay malubhang butas sa baga o sugat ng puso
pero di siguro talga masosolusyunan ang mga bagay na ganito...kasi malabo talga kahit siguro ako ang maging pangulo whew sa dami ba namang makasarili at suwail na tao..ginagamit ang yaman upang magpahirap ng kapwa o gipitin ito..ouch..tama na tama na sana...tulungan nyo naman sana kami makatayo din kasama nyo..minsan lang naman tayo mamumuhay dito sa mundo sana naman dito pa lang sa mundo eh gawin na nating langit at sabay sabay tayong ngumiti sa arawaraw, lumakad para sa bukas, tumayo sa pagkakadapa at  lumuhod sa taas
tama na nga sa sususnod na naman :DD sakit sa ulo...nood na lang kayo ng iwitness :))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento